Thursday , May 15 2025

Misis nahati, pahinante binaril ng SAF saka nag-suicide (Motor nabundol ng truck)

 021816 FRONTNAPISAK at nahati ang katawan ng isang 27-anyos misis nang magulungan ng truck habang nagbaril sa ulo ang mister niyang pulis makaraang barilin ang pahinante na kritikal ang kondisyon sa pagamutan sa Antipolo City.

Kinilala ni Chief Insp. Arestone Dogwe, deputy chief of police, ang mga biktimang namatay na si PO2 Delbert Asoy, nakatalaga sa PNP Special Action Force (SAF) sa Camp Crame, at misis niyang si Marilyn Pinaranda Asoy, 27, kapwa nakatira sa Makati City.

Kritikal sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang pahinante ng truck na si Niko Castillo, 20, at naaresto ang driver na si Luisito Galang, 57, nakatira sa Raymundo Dicon, Compound, Brgy. Pag-Asa, Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael dela Peña, nangyari ang insidente dakong 9:05 p.m. kamakalawa sa Zigsag Road, Brgy., Dalig, Antipolo.

Sakay ang mag-asawa ng motorsiklo (UN-6154) habang ang suspek ay minamaneho ang truck (UVK-494) ngunit nabundol ang mag-asawa at nagulungan si Marilyn na agad namatay sa insidente.

Bunsod nito, bumunot ng baril si PO2 Asoy at binaril sa kanang mata ang pahinante bago nagbaril sa ulo.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isasampang kaso sa driver na nakapiit na sa detention cell ng Antipolo City Police.

About Ed Moreno

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *