Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ray Parks gumaganda ang laro (Texas Legends panalo uli)

012616 bobby ray parks
HUMAHATAW pa rin si Bobby Ray Parks para sa Texas Legends ng NBA D League.

Sa kanyang unang laro sa starting five ng Legends ay humataw si Parks ng walong puntos, limang rebounds at isang agaw upang pangunahan ang kanyang koponan sa 114-106 na panalo kontra Idaho Stampede kahapon, oras sa Pilipinas, sa Century Link Arena sa Texas.

Naipasok ni Parks ang una niyang syut sa unang quarter at pagkatapos ay nagdagdag siya ng limang puntos sa ikalawang quarter, kabilang ang kanyang reverse lay-up, na napalapit sa Legends sa 42-39.

At sa ikatlong quarter ay nagdagdag si Parks ng isang free throw upang mapalayo ang Legends sa 74-66.

Umakyat ang Legends sa ikatlong puwesto sa Western Conference sa karta nilang 14 na panalo kontra sa sampung talo.

( JAMES TY III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …