Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.1-M pabuya ikinasa vs pumatay sa traffic enforcer

NAGLAAN si Antipolo City Mayor Jun Ynares ng P100,000 pabuya sa sino mang makapagtuturo sa pumatay sa kababayang MMDA traffic enforcer.

Si Sydney Role, residente ng Brgy. Dela Paz ng lungsod, ay pinagbabaril ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na kanyang sinita na nag-counterflow dakong 3:20 a.m. sa kanto ng Commonwealth Avenue, Tandang Sora, Quezon City, kamakalawa.

Ayon sa ulat, bumaba ang isa sa dalawang suspek at dalawang beses na binaril sa ulo ang biktima.

Isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Ynares ang Antipolo PNP na makipag-ugnayan sa QCPD Police para sa agarang pagdakip sa suspek at sinabing nakahanda na ang P100,000 reward money.

Nakaburol na ang bangkay ng biktima sa Our Lady of Peace Chapel sa lungsod.

Habang sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos, hindi titigil ang ahensiya sa pagtugis sa mga kriminal na pumatay sa kanilang kawani.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …