Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Van swak sa kanal 2 nalunod (Sa Benguet)

VIGAN CITY – Nalunod ang dalawang lalaki nang hindi makalabas sa nahulog nilang sasakyan sa kanal sa Cervantes Mankayan Road, Benguet kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina June Alicio, 42, at Gerald Bago, 21, parehong residente ng Mankayan, Benguet.

Ayon kay S/Insp. Nepoleon Gao-ay, chief of police ng PNP Cervantes, binabagtas ng mga biktima ang national highway ng nasabing lugar nang biglang mawalan ng kontrol ang driver hanggang nagpagewang-gewang at nahulog sa kanal na may lalim na apat na metro.

Dahil sa lakas ng pagkahulog ng van, nayupi at hindi nakalabas ang mga biktima kaya tuluyang nalunod. Sinubukan ng mga residente na sagipin ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arri-val. Napag-alaman sa mga awtoridad, naka-inom ang driver nang mangyari ang insidente.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …