Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NCAA volleyball finals magsisimula na

010616 uaap volleyball
LALARGA na ngayong hapon ang finals ng women’s at men’s volleyball ng NCAA Season 91 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Tampok na laban sa alas-kuwatro ang Game 1 ng women’s finals na paglalabanan ng San Sebastian College at College of St. Benilde.

Nakuha ng Lady Stags ang unang puwesto sa finals pagkatapos na walisin nila ang elimination round na may siyam na sunod na panalo sa pangunguna ni Gretchel Soltones.

Kailangan ng dalawang panalo ang SSC para makuha ang titulo habang tatlong panalo naman ang kailangan ng Lady Blazers sa finals.

Nakuha ng CSB ang huling puwesto sa finals pagkatapos na talunin nito ang defending champion Arellano, 25-20, 25-22, 25-23, sa stepladder semifinals noong Biyernes.

Ito ang unang pagsabak ng Lady Blazers sa finals pagkatapos ng pitong taon.

Sa men’s division naman ay maglalaban sa Game 1 ang defending champion Emilio Aguinaldo College kontra Perpetual Help sa alas-dos ng hapon habang magtutunggali ang EAC-ICA at Perpetual sa Game 1 ng juniors finals sa alas-11:30 ng umaga.

Llamado ang Generals sa finals dahil sa mahusay na laro ni Howard Mojica na nagtala ng 31 puntos sa limang set na panalo nila kontra San Beda sa Final Four noon ding BIyernes.

Ang Game 2 ay gagawin sa Biyernes at mapapanood ang aksyon sa NCAA volleyball nang live sa ABS-CBN Sports+Action Channel 23.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …