Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA D League lalarga na sa Enero 21

020415 PBA D League
MAGBUBUKAS na sa Enero 21, Huwebes, ang unang torneo ng 2016 season ng PBA D League sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Ang Aspirants Cup ay magiging unang torneo ng D League kung saan siyam na koponan ang kasali.

Unang maglalaban sa alas-dos ng hapon ang Caida Tile Masters kontra Tanduay Rhum Masters pagkatapos ng opening ceremonies sa ala-una.

Susunod na makakalaban sa alas-4 ng hapon ang UP-Jam Liner at ang Banco de Oro-National University.

Sa Enero 25, Lunes, gagawin ang mga laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig kung saan maghaharap ang Café France at Mindanao Aguilas, kasunod naman ang bakbakang Phoenix Petroleum-FEU at Wangs Basketball.

Ang AMA Online Education ay ika-siyam na koponang kasali sa D League ngayong taong ito.

Ilan sa mga manlalaro mula sa UAAP at NCAA na magpapakitang-gilas sa D League ay sina Von Pessumal ng Tanduay, Mike Tolomia at Mac Belo ng Phoenix at Jason Perkins ng Caida Tiles.

Gagawin ang mga laro tuwing Lunes, Martes at Huwebes at mapapanood ang liga sa ATC-IBC Channel 13 simula alas-siyete ng gabi. ( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …