Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Racal, Pogoy pararangalan ng UAAP-NCAA Press Corps

010516 Racal Pogoy UAAP NCAA Press Corps
BIBIGYAN ng parangal ng  UAAP-NCAA Press Corps sina Kevin Racal ng Letran at Roger Pogoy ng Far Eastern University sa taunang College Basketball Awards sa Enero 26 sa Saisaki-Kamayan sa Greenhills.

Parehong pinili bilang Pivotal Players sina Racal at Pogoy dahil sa kani-kanilang papel upang magkampeon ang Knights at Tamaraws sa NCAA at UAAP, ayon sa pagkakasunod.

Nag-average si Racal ng 20 puntos sa NCAA Season 91 finals kung saan tinapos ng Letran ang limang sunod na taong paghahari ng karibal nilang San Beda College.

Humataw naman si Pogoy ng 14.7 puntos bawat laro sa tatlong laro sa UAAP Season 78 finals kung saan nakalusot ang FEU kontra University of Santo Tomas.

Si Racal ay naglalaro na ngayon sa Alaska Milk sa PBA habang sasabak si Pogoy para sa Phoenix Petroleum sa darating na PBA D League Aspirants Cup.

Ang iba pang mga nanalo bilang Pivotal Players ng UAAP-NCAA Press Corps ay sina Garvo Lanete, Ryan Buenafe, Dave Marcelo, Kirk Long, Art dela Cruz, Alfred Aroga at Anthony Semerad.

Halos lahat sila ay nasa PBA na maliban kina Long at Aroga.

Naunang napili bilang Coaches of the Year ng mga manunulat ng UAAP at NCAA sina Nash Racela ng FEU at Aldin Ayo ng Letran na head coach na ngayon ng De La Salle University. ( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …