MATAGAL ang pahinga ng Filsports Basketball Association (FBA) pagkatapos ng unang season nito noong 2015.
Sinabi ng komisyuner ng FBA at ang dating PBA player ng Purefoods at Ginebra na si Vince Hizon na sa Marso magsisimula ang unang torneo ng kanyang liga.
“We have two new teams coming in but I don’t want to pre-empt the announcement,” wika ni Hizon.
Noong 2015 ay nagkampeon sa FBA ang University of the Philippines sa unang torneo at ang Foton-Pampanga sa katatapos na torneo.
Idinagdag ni Hizon na aayusin din ng FBA ang pag-renew ng kontrata sa Aksyon TV 41 para ipagpatuloy ang television coverage ng liga.
Sa ngayon ay napapanood ang mga replay ng laro ng FBA tuwing Linggo ng hapon sa Net 25.
Itinayo ang FBA para palakasin ang regional basketball sa Pilipinas na konseptong ginamit noon sa nabuwag na Metropolitan Basketball Association (MBA). ( James Ty III )