Wednesday , November 20 2024

Ginebra tinanggap pagkatalo sa globalport (Protesta hindi na itinuloy)

122915 tim cone ginebra
HINDI na itinuloy ng Barangay Ginebra San Miguel ang plano nitong i-protesta ang 84-83 na pagkatalo nito kontra Globalport noong Linggo sa quarterfinals ng Smart BRO PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena.

Kinompirma ni PBA Media Bureau Chief Willie Marcial na walang opisyal ng Ginebra ang pumunta sa opisina ng liga kahapon upang maghayag ng protesta.

Ibinigay ng PBA ang Ginebra na hanggang alas-dose ng tanghali kahapon upang mag-protesta.

Naging kontrobersiyal ang katapusan ng laro nang umangal si Ginebra coach Tim Cone dahil umano sa backing violation ni Stanley Pringle na hindi tinawagan ng reperi na si Edward Aquino at hinayaan lang ni Aquino si Pringle upang sayangin ang natitirang oras at tinapos na lang ang laro.

Nagresulta ito ng pambabato ng coins ng  mga fans ng Ginebra sa mga manlalaro ng Globalport sa labas ng venue.

Ito ang unang beses para sa Batang Pier na nakapasok sa semis sa unang pagkakataon mula noong pumasok sila sa PBA noong 2011.

“It was really close. Ginebra was really trying to trap me,” komento ni Pringle tungkol sa pangyayari. “I definitely felt that I was fouled and I got a couple of hacks on my arm. But it’s all right and we played through it. It’s good beating Ginebra and sometimes, the shots don’t fall for them.”

Sinabi naman ni PBA Commissioner Andres “Chito” Narvasa, Jr.  na kakausapin niya ang mga reperi na sina Edward Aquino, Bing Oliva, Rommel Gruta at Mardy Montoya tungkol sa mga hinaing ng Gin Kings tungkol sa hindi pagtawag nila ng backing violation laban kay Pringle sa huling walong segundo ng laro.

“Regarding the officiating and to be fair, we have scheduled a hearing for the 4 referees tomorrow (ngayon), the 29th of December, to determine their performance. After that we shall come out with our official action on them,” ayon sa statement ni Narvasa.

Nanawagan ang forward ng Ginebra na si Joe Devance sa mga fans ng Gin Kings na tanggapin na lang ang pagkatalo nila sa Globalport.

“They (Batang Pier) did their job and we didn’t,” ani Devance. “Let’s respect that. I love your passion and heart for us. Let’s continue to get better!!”

Sa post ni Cone sa Twitter, tila nagpahayag siya na tinanggap din niya ang pagkatalo ng kanyang koponan. ( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *