Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Webb: Bagsak ako bilang coach

122815 jason web
INAKO ni Purefoods Star head coach Jason Webb ang responsibilidad sa masakit na pagkatalo ng Hotshots kontra Barangay Ginebra San Miguel sa Smart BRO PBA Philippine Cup quarterfinals kamakalawa ng gabi sa harap ng halos 22,000 na katao sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Sinayang ng Hotshots ang kanilang 74-56 na kalamangan sa huling quarter at yumukod sila sa Gin Kings sa overtime, 92-89.

Dahil sa pagkatalong ito ay tuluyang nagbakasyon ang Star sa torneo.

“I don’t think I got a passing grade,” wika ni Webb. “The only passing grade is if you win a championship.”

Naipasok ni LA Tenorio ang kanyang pamatay na tres kasabay ng busina upang makumpleto ng Ginebra ang milagrong panalo.

Matatandaan na pinalitan ni Webb si Tim Cone sa paghawak ng Star pagkatapos na lumipat si Cone sa Ginebra.

“I just feel bad for coach Jason, he out-coached me the whole game tonight,” ani Cone.

Wala pang susunod na plano ang pamunuan ng Star tungkol kay Webb ngunit inaasahang magbibitiw siya sa kanyang trabaho upang asikasuhin ang kanyang kampanya sa eleksyon sa susunod na taon kung saan sisikapin niya na muling mahalal siya bilang konsehal sa Paranaque City.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …