Sunday , March 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dozier balik-Alaska

122815 rob dozier alaska
KINOMPIRMA ni Alaska Milk head coach Alex Compton ang pagbabalik ng beteranong import na si Rob Dozier para sa PBA Commissioner’s Cup na magsisimula sa Pebrero.

Si Dozier ay naging import ng Aces nang nagkampeon sila sa torneong ito noong 2013 at nakuha niya ang parangal bilang Best Import.

Nakabalik siya noong 2014 ngunit natalo ang Alaska sa semifinals kontra San Mig Coffee (ngayon ay Purefoods Star).

Hindi naglaro si Dozier sa huling Commissioner’s Cup dahil sumabak siya sa isang liga sa Dubai at imbes ay si Damion James ang nakuha kaya natalo ang Alaska sa quarterfinals kontra Star.

Nagpapahinga ngayon ang mga bata ni Compton bago ang semis.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Pilipinas pasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup

Pilipinas pasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup

GOLD COAST — Nagningning ang beteranang sina Angela Beard at Jacklyn Sawicki sa ikalawang bahagi …

Growee-Manila Swim Meet TOPS

27 koponan, aarangkada sa Growee-Manila Swim Meet

TINATAYANG mahigit 300 batang atleta mula sa 27 koponan ang magtatagisan ng husay sa nalalapit …

AFC Womens Asian Cup Australia PH vs Uzbekistan

PH haharap sa Uzbek White Wolves para sa puwesto sa World Cup

SASAILALIM sa matinding pagsubok ang Philippine national women’s football team sa pagharap laban sa Uzbekistan …

TOPS Tabloids Organization in Philippine Sports

Manila Swim Meet sa TOPS Usapang Sports

SENTRO ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ …

volleyball all star Candon City Ilocos Sur

Candon City, magho-host sa pagbabalik ng Volleyball All-Star event

MAGBABALIK ang inaabangang Volleyball All-Star Showcase kung saan muling magsasama-sama ang mga star ng propesyonal …