Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cone, Jarencio saludo kay Jacobs

122815 ron jacobs tim cone pido jarencio
BUKOD kay Lim Eng Beng, isa pang personalidad sa PBA ang pumanaw bago ang Pasko.

Sumakabilang-buhay ang dating coach ng RP team na si Ron Jacobs sa edad na 72 pagkatapos ng mahabang panahong nakaratay siya sa kama dahil sa stroke na tumama sa kanya noong 2002.

Nagsilbi si Jacobs bilang coach ng Northern Consolidated na nagkampeon sa PBA bilang guest team noong 1985 Reinforced Conference, bukod sa dalawang titulo sa Jones Cup at ang korona sa 1985 ABC Men’s Championships na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dapat sanang maging coach si Jacobs sa RP team sa 2002 Asian Games sa Busan, Korea, ngunit nagkasakit siya at pinalitan siya ni Jong Uichico.

Marami sa mga dating manlalaro ni Jacobs sa NCC ay naging coaches tulad nina Uichico, Allan Caidic, Pido Jarencio, Jerry Codinera at Siot Tanquingcen.

Pati si Tim Cone ay saludo kay Jacobs na dalawang beses silang nagharap sa PBA finals noong 1998 nang hinawakan ni Cone ang Alaska kontra sa San Miguel Beer ni Jacobs.

“Ron Jacobs was the most intense competitor I ever faced,” wika ni Cone sa kanyang Twitter account.

“Plus, he had an absolutely brilliant mind, what a lethal combination to go against. Ron greatly impacted all of us coaches. We all took pages from his playbook and made it our own. He will be forever remembered.”

Malaki ang respeto ni Jarencio kay Jacobs.

“Siya ang naging unang coach ko sa RP team at sa PBA,” ani Jarencio. “Condolences sa kanyang pamilya. Malaki ang impluwensiya sa akin. Disciplinarian siya.”

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …