KAHIT natalo ang Talk n Text kontra Barangay Ginebra San Miguel sa pagtatapos ng elimination round ng Smart BRO PBA Philippine Cup noong Linggo ay hindi nag-aalala si Texters coach Jong Uichico.
Pasok pa rin sa Top 6 ang Tropang Texters kaya hawak nila ang twice-to-beat na bentahe kontra sa kapatid na koponang North Luzon Expressway.
Gagawin ang unang laro ng serye sa Sabado, Disyembre 26.
Sa eliminations ay pinataob ng Road Warriors ang Tropa, 109-101, sa pangunguna ni Sean Anthony na gumawa ng 32 puntos. Kagagaling ng NLEX sa 111-106 na pagtaob sa Rain or Shine noong Sabado kung saan tumipa si Anthony ng career-high 37 puntos. ( James Ty III )