Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jumbo plastic kampeon sa PCBL

122215 PCBLNASUNGKIT ng Jumbo Plastic Linoleum ang titulo ng Founders Cup ng Pilipinas Commercial Basketball League pagkatapos na padapain nito ang Caida Malolos Tiles, 78-73, noong Linggo ng gabi sa Game 2 ng best-of-three finals sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Nakahabol ang Giants mula sa 31-14 na kalamangan ng Tile Masters sa ikalawang quarter at nakuha nila ang trangko, 59-57, dahil sa tira ni Alvin Padilla sa unang bahagi ng huling quarter.

Isang tres ni Jeff Viernes sa huling dalawang minuto ang nagpadala sa Jumbo sa 71-69 na kalamangan at pagkatapos ng turnover ni Joseph Terso ng Caida ay naipasok nina Jaymo Eguilos at James Martinez ang tatlong free throw upang maiselyo ang titulo para sa Giants.

Nagbida si Viernes para sa Jumbo sa kanyang 20 puntos habang tumipa si Martinez ng 16 puntos. Nagtala naman ng double-double si Eguilos sa kanyang 11 puntos at 10 rebounds.

Nanalo ang Giants sa Game 1, 79-61, noong Biyernes.

Ito ang unang titulo ng Jumbo pagkatapos na kumalas ito mula sa PBA D League at lumipat sa PCBL.

Napili bilang MVP ng Founders Cup si Billy Ray Robles na gumawa ng 12 puntos at pitong rebounds para sa Caida na nanguna sa elimination round at maagang nakapasok sa semis at finals.

Kasama ni Robles sa Mythical Five sina Jay-R Taganas ng Jumbo, Joseph Gabayni ng Supremo Lex Builders, Rudy Lingganay ng Kama Motors at Mac Montilla ng Sta. Lucia Realty.

Napili sa All-Defensive Team sina Jun Gabriel ng SLR, Jio Jalalon ng Caida, Mark Lopez ng Jumbo, Junar Arce ng Cagayan at Adrian Santos ng Euro-Med.

Sa unang laro, pinabagsak ng Sta. Lucia ang Euro-Med, 73-67, para makuha ang ikatlong puwesto.

Nagtala si Robby Celiz ng 17 puntos para pangunahan ang Realtors.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …