Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gamboa bukas sa pagbabago ng PCCL

122115 PCCL
PAYAG ang tserman ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) na si Rey Gamboa na baguhin ang format ng National Collegiate Championship sa susunod na taon pagkatapos na biglang pinutol ang torneo ngayong taong ito dahil sa masamang panahon at ang pagsabay nito sa Pasko.

Inamin ni Gamboa na napilitan siyang baguhin ang iskedyul ng NCC dahil inilipat ng UAAP ang pagsisimula ng basketball season sa Setyembre imbes sa Hulyo.

“Definitely, a lot of changes have been made this year because of the change in the collegiate calendar,” wika ni Gamboa. “You know very well that the UAAP league started quite late and we had to request the other leagues in the provinces to follow suit so that they will be on track.”

Matatandaan na ginawang co-champions ng PCCL ang San Beda College at Far Eastern University dahil walang venue para sa championship game na dapat sanang gawin noong Biyernes, bukod sa kailangan nang umuwi ang mga manlalaro sa kani-kanilang mga lalawigan para ipagdiwang ang Pasko kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Umabot pa sa puntong binatikos ng isang kongresista mula sa Cebu ang PCCL dahil sa pagbabago ng format.

“Definitely, we will be meeting with the leagues this coming year and agree on a schedule and format that will still have the objective of having one national champion,” ani Gamboa na dating tserman ng board of governors ng Philippine Basketball Association (PBA). “The changes that have been made in the collegiate basketball calendar have affected our schedule also. We are going to resolve this next year.”

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …