Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanay ni Cong ‘di makapagtimpi kapag nagselos

THE WHO logoTHE WHO ang nanay ng isang kilalang congressman na to the max daw kung magselos dahil wala siyang paki sa sasabihin ng madlang people basta mailabas lang ang kanya galit.

Aguy!

Kuwento ng ating Hunyango, may B.F. daw si Nanay na isang Dance Instructor (DI) at talaga namang langit at lupa ang agwat ng kanilang edad kumbaga May-December na talaga ang kanilang love affair.

Sabagay age doesn’t matter naman ‘di ba?

Idiretso natin, langit daw si lalaki dahil batang-bata at guwapo, habang lupa naman si Nanay sa katandaan pero active na active pa rin sa extra-curricular activities.

Hak hak hak hak!!!

Bulong sa atin, ayaw na ayaw daw talaga ni congressman ang ginagawang paki-kipagrelasyon ni Nanay sa bata niyang dyowa kasi ‘di pa naman sila legally separated ng kanyang ama, kung kaya’t pikit-mata na lamang na tinatanggap ang nangyayari.

Oh how sad naman.

Ang masakit nga lamang, pinagbigyan na nga si Nanay sa pinaggagagawa niya, pero dagdag kahihiyan ang pagiging eskandalosa dahil sa kanyang sobrang selos.

Paglalahad sa atin, aba’y ibang klase raw kapag nagselos si Nanay dahil kawawa talaga ang kanyang dyowa sa pananakit niya kapag umandar na ang panibugho!

Katunayan, minsan may pinuntahang event ang magsing-irog at siyempre may mga bisitang bebotski.

Heto naman si lalaki na-attract at napasulyap doon sa isang mestisang babae kaya nang makita ito ni Nanay, hayun! Pinagkakalmot si dyowa sa mukha, braso, kamay at katawan!

Yawa! May sa-pusa pala si Nanay ‘pag nagalit!

Hindi lang ‘yun, habang kinakalmot daw si poor guy, nagsisigaw pa si Mudra sa harapan ng mga bisitang naroroon, kumbaga walang hiya-hiya!

Intsikyur si Nanay!

Hindi naman daw magawang makipaghiwalay sa ngayon ng lalaki kasi sayang naman ang money, money ni Nanay baka mapunta pa sa iba.

Wais!

Sino si Nanay? ‘Di makapagtimpi kapag tinamaan ng selos?!

Bahala na kayo riyan!

Wahahahahahaha!

Adios!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …