Sunday , December 22 2024

Ejercito et al inasunto sa Ombudsman (Sa pagbili ng high-powered firearms)

SINAMPAHAN ng kaso sa Office of the Ombudsman si dating San Juan Mayor at kasalukuyang senador na si Joseph Victor “JV” Ejercito dahil sa paglabag sa Section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019) at technical malversation.

Kasamang kinasuhan din ng technical malversation si Vice-Mayor Leonardo Celles, at City Councilors Andoni Carballo, Vincent Pacheco, Angelino Mendoza, Dante Santiago, Rolando Bernardo, Grace Pardines, Domingo Sese, Francis Peralta, Edgardo Soriano, Janna Ejercito-Surla, Franciso Zamora, Ramon Nakpil at Joseph Torralba. 

Damay rin sa kaso ang mga miyembro at opisyal ng Bids and Awards Committee na sina City Administrator Ranulfo Dacalos, Treasurer Rosalinda Marasigan, City Attorney Romualdo Delos Santos, City Budget Officer Lorenza Ching at City Engineer Danilo Mercado. 

Sina Dacalos, Marasigan, Delos Santos at Mercado ay napatunayang guilty sa misconduct kaya’t sinuspinde sila ng anim buwan na walang suweldo.

Lumalabas sa imbestigasyon, noong Pebrero 2008, hiniling ni Ejercito sa City Council ang ‘authority’ para bumili ng high-powered firearms gamit ang calamity funds.

Katuwiran noon ni Ejercito, investment daw para sa disaster preparedness dahilan para ipasa ng konseho ang City Ordinance 9 (Series of 2008) na nag-aawtorisa sa kanya para bumili ng matataas na kalibre ng baril para sa San Juan Police Station.

Napag-alaman, tatlong unit ng K2 cal. 5.56mm sub-machine guns, at 17 Daewoo model K1 cal. 5.56mm sub-machines guns ang nabiling baril na may halagang P2.1 milyon.

About Jethro Sinocruz

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *