SA kabila ng diskuwalipikasyon ni Sen. Grace Poe sa Comelec second division, pinagtibay ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang kanilang naunang desisyon sa kaso.
Kasabay ito nang pagbasura ng SET sa motion for reconsideration ni Rizalito David.
Matatandaan, kinikwestyon ni David ang citizenship at residency status ng senadora dahil hindi aniya batid kung anong nasyonalidad ng mga magulang ni Poe.
Dahil dito, mananatiling senador ng bansa si Poe hanggang matapos ang kanyang termino nito.