Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapatid ni Baldwin kritikal — Villavicencio

112715 tab baldwin
KINOMPIRMA ng team manager ng Talk n Text na si Virgil Villavicencio na kritikal ngayon ang kalagayan ng nakatatandang kapatid ng team consultant ng Tropang Texters at head coach ng Gilas Pilipinas na si Tab Baldwin.

Katunayan, nasa Amerika pa rin si Baldwin upang alagaan ang kanyang kapatid.

“Coach Tab’s brother has a malignant tumor,” wika ni Villavicencio pagkatapos ng 109-98 na panalo ng TNT kontra Blackwater Sports sa Smart BRO PBA Philippine Cup noong Miyerkoles ng gabi. “He and his brother were more than brothers, they were close friends.”

Idinagdag ni Villavicencio na babalik si Baldwin sa bansa sa Linggo para sa pagpapatuloy ng lingguhang ensayo ng Gilas sa Meralco Gym kinabukasan.

Matatandaan na kinansela ang ensayo ng Gilas noong Lunes dahil nga sa nangyari sa kapatid ni Baldwin.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …