Vice Presidential candidate umepal sa event
Jethro Sinocruz
November 26, 2015
Opinion
THE who si vice presidential candidate na dahil sa kagustuhang maka-ek-sena sa isang event ay kahihiyan tuloy ang inabot niya.
Aguy!
Ouch talaga!
Ayon sa alaga nating Hunyango na walang tigil sa pagtalon-talon, mayroong ginugunitang malaking event noon sa isang malayong lalawigan at siyempre ‘di mawawala ang mga politikong oportunista sa okasyong iyon.
Sa totoo lang naman, may mangilan-ngilan ding imbitadong politiko sa nasa-bing event. Kasamang naimbitahan doon ang kandidato sa pagka-Pangulo ni vice president candidate.
Ang siste, kahit hindi naman imbitado si kandidato sa event, parang buntot daw ng asong nakasunod siya sa kanyang presidential candidate kung kaya’t wala siyang paki na mapadpad sa lugar na iyon.
Hahahahahahahahahahaha!
Heto ang problema, imbitado rin pala sa kaganapang iyon ang isa rin vice pre-sidential candidate dahil balwarte ng mga kaanak niya ang probinsyang pinagdarausan.
Toinks!
Para ‘di mapahiya, dahan-dahang naglakad papalabas si sir at may pakaway-kaway pa sa mga tao sabay yuko dahil ‘di naman siya pinapansin.
Hiyang-hiya naman ako sa inyo sir!
Hehehehehehehe.
Kaya no’ng nawala na sa eksena si epalist! Ehek sir pala, napatanong ang mga tao roon nang ganito:
“O nasa’n na siya? Ba’t biglang nawala?”
O nasa’n na nga ba?
Aba malay ko kung nasa’n na siya!
Tanong n’yo sa Senado o sa Kongreso baka alam nila kung nasa’n siya.
Sayonara!