Friday , November 15 2024

Nene patay sa gumuhong riprap sa Antipolo

 PATAY ang 9-anyos batang babae nang matabunan ang kanilang bahay nang gumuhong ginagawang riprap sa

Road widening project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Antipolo City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial director, kinilala ang biktima na si Erika “Kim” Paclibar, 9, nakatira sa Sitio Kasapi, Brgy. Bagong Nayon sa lungsod.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong 5:35 p.m. nang gumuho ang riprap na ginagawa ng DPWH sa pagitan ng RCBC at isang mall at natabunan ang ilang kabahayan sa lugar.

Ilan din sa mga residente ang nasugatan sa insidente dahil sa debris na tumama sa kanila.

Agad nagsagawa ng rescue operations ang lokal na pamahalaan at pulisya kabilang ang ilang lokal opisyal.

Dakong 11:35 p.m. nang mahukay ang biktima at mabilis na isinugod sa Antipolo City Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ilan sa kaanak at mga kaibigan ng pamilya Paclibar sa lugar ang humihingi ng hustisya at sinisi ang ilang opisyal ng DPWH at contractor dahil sa kapabayaan at kawalan nang seguridad sa nasabing proyekto.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang DPWH o ang contractor ang may responsabilidad sa gumuhong riprap.

Dagdag ng mga residente, posibleng tinipid ng contractor at DWPH ang nasabing proyekto.

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *