Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Herbert, kamukha ni Sen. Ninoy (Kaya siguro gustong-gusto ni Kris…)

051815 kris aquino herbert bautista

MATINDI pala ang pagkakahawig ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Sen. Ninoy Aquino ‘pag nakasalamin ang actor-politician.

Napuna namin ‘yon noong nagpa-lunch siya sa showbiz reporters na nag-birthday ng July, August, at September. Sa Annabelle’s restaurant sa Morato Avenue ‘yon ginanap.

Walang-takot na binanggit namin ‘yon kay Mayor—at parang alam na n’ya ‘yon, parang hindi naman kami ang kauna-unahang nilalang na nagsabi sa kanya niyon.

“Kaya siguro gustong-gusto ka ni Kris Aquino—dahil kamukha mo ang tatay n’ya!” walang-takot naming biro sa kanya.

Matamis at may pagkamisteryosong ngiti lang ang tugon n’ya.

Bistek na Bistek pa rin ang hitsura ng Bagets actor. Walang pileges sa mukha. Walang tiyan. Pero alam n’yo bang 47 years old na siya?

Nagulat nga kaming mga apat o limang reporters na kaharap n’ya noong sabihin n’ya ‘yon. At kahit nga noong panahon pa ng pelikulang Bagets namin siya nakakaharap, hindi namin naisip lagpas na siya ng 30.

Kalahating tasa lang daw ng kanin ang kinakain n’ya every meal. ‘Di siya nagso-softdrinks at manufactured fruit juice. Panay tubig lang daw ang iniinom n’ya.

Wala siyang diabetes o ano mang karamdaman. Palangiti pa rin siya, at halos tunog Bagets pa rin ang boses at pananalita n’ya.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …