IPAGPAPATULOY ng Gilas Pilipinas ang kanilang angas sa quarterfinals ng 28th International Basketball Federation (FIBA) Asia Championship for Men 2015 sa Changsha Social Work College Gymnasium Dayun sa Changsha City, Hunan Province, China ngayong araw.
Haharapin ng Group E No. 1 Gilas ang Lebanon na ranked No. 4 naman sa Group F para malaman kung sino ang sasampa sa semifinals.
Winalis ng Team Pilipinas ang tatlong asignatura sa Group E kung saan naging biktima nila ang Japan, 73-66 sa unang laro, isinunod ang powerhaouse Iran, 87-73 at huli ang India, 99-65 para sumampa ang nationals sa knock-out stage.
Nasungkit ng Lebanon ang No.4 spot sa Group F matapos patalsikin ang Jordan, 80-76.
Nakopo ng Iran ang No. 2, sa Group F nahablot ng China ang unahan sa Group F matapos talunin ang tatlong nakalaban.
Bukod sa Gilas at Iran sumampa rin sa knockout stage ang Japan at India habang sa group F ay ang Qatar at Korea.
Makakatapat ng Iran ang Korea habang haharapin ng India ang China at katunggali ng Qatar ang Japan.
(ARABELA PRINCESS DAWA)