Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binay, Grace pinaiikot lang ni Erap

EDITORIAL logoKAILANGAN linawin ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kung talagang mayroon pang maaasahang endorsement sina Vice President Jojo Binay at Sen. Grace Poe o hindi na nila ito dapat asahan pa at kalimutan na lang.

Kamakailan, pumutok ang balita na nagkasundo at nagkaroon ng isang deal  sina Erap at Interior Sec. Mar Roxas.  Si Erap umano ay pumayag na ibigay ang kanyang endorsement kay Roxas kapalit ng paglaya ng anak na si Senador Jinggoy Estrada na nahaharap sa kasong plunder.

Nagbigay din daw ng malaking halaga ng salapi si Roxas kay Erap bilang “goodwill money” para magamit sa kampanya laban kay dating Manila Mayor Alfredo Lim sa darating na halalan.

Kung totoo ang balitang ito, masakit ito sa kanyang inaanak na si Poe dahil pinangakuan niya na siya ay kanyang susuportahan sa sandaling magpasyang tumakbo sa pagkapangulo. At kung hindi naman, ang kanyang kaibigan na si Binay ang susuportahan.

Parang sinaksak sa likod si Poe ni Erap kung totoo man ito dahil sa inaanak nga niya sa matalik niyang kaibigan na si Fernando Poe Jr. At si Binay naman ay parang tuluyan na niyang tinabla dahil matagal na rin niyang kasama sa politika.

Mabigat na paratang ito laban kay Erap at kailangan talagang magpaliwanag siya kay Poe kung ito man ay walang katotohanan. Ganoon din kay Binay para hindi naman masira ang kanilang matagal nang pagkakaibigan.

Mahirap husgahan si Erap, pero kung hindi siya magsasalita, baka totoo ngang nakipagkasundo na siya kay Roxas, na kanyang susuportahan sa darating na halalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …