Sunday , December 22 2024

2 Chinese nat’l 2 taon kulong (Nagpanggap na Pinoy)

HINATULAN ng dalawa at kalahating taon pagkabilanggo ang dalawang Chinese national na kinasuhan ng falsification of public documents makaraan magparehistro sa Commission on Elections at nagpanggap na mga Filipino at nakaboto sa halalan.

Bukod sa  pagkabilanggo, pinagmulta rin ng P5,000 ni Metropolitan Trial Court Branch 9 Judge Yolanda Leonardo sina Aurora Co Ching at kanyang anak na si Jaime.

Base sa court rectord, ginawa ni Aurora ang palsipikasyon noong Hulyo 27,1997 habang si Jaime ay noong Setyembre 3, 2003.

Nagawa ng mag-ina na makapagparehistro sa Comelec, nakakuha ng voters ID at nakaboto sa  kabila na hindi pa sila Filipino citizen dahil ayon sa testimonya ni Cecilia Dorren Surio, Administrative Officer IV ng Special Committee on Naturalization Technical Working Group ng Solicitor’s Office, hindi naghain ng petisyon para sa administrative naturalization ang mag-ina.

Lumabas sa records, hindi nakakuha ang mag-ina ng Philippine citizenship and Administrative Naturalization sa ilalim ng Republic Act No. 9139.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *