Friday , November 15 2024

Estudyante, residente nadenggoy sa LP event

082715_FRONT copy

KARAMIHAN ng mga mag-aaral ay pinuwersang dumalo sa “Gathering of Friends” ng Liberal Party na ginanap sa Coliseum nitong nakaraang Lunes (August 24), ulat ng radyo na nakabase sa probinsya.

Sa ulat ng DyLA Cebu, ang attendance ng mga estudyante ay tiningnan din sa event na dinaluhan ni Presidente Noynoy Aquino.

Ang mga hindi dumalo na estudyante, sila ay minarkahan ng “absent.”

Sinabi rin ng mga estudyante na hindi sila pinayagan umalis sa venue sa kabila ng kanilang pakiusap at dahilan na mayroon pa silang pagsusulit bandang 4:00pm, ayon sa radio report.

Sinabihan raw sila ng mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG) na hindi puwedeng umalis dahil hindi pa tapos ang event.

Ayon sa DyLA, tumanggi ang mga miyembro ng PSG na buksan ang gate ng coliseum dahil “the President was still there.”

Ayon sa Criminology students mula sa isang university sa downtown, sinabihan silang ang event ay matatapos dakong 3:00 ng hapon.

Pero sa ganoong oras, sina  President Aquino at DILG Secretary Mar Roxas ay hindi pa nakapagtatalumpati.

Nakiusap ang mga mag-aaral sa PSG personnel na payagan na silang lumabas ng coliseum pero hindi sila pinakinggan ng PSG.

Isang nautical student ang nagtanong “dyLA, wa lagi panghatag sir?”

Sinabi ng mga estudyante na bibigyan sila ng goodies tulad ng t-shirts pero wala naman daw silang natanggap.

Marami rin senior civilians ang gusto nang umalis sa event, pero hindi sila pinayagan.

Ayon kay Salvacion Bueno, 74, mula sa Mambaling, siya at ang kanyang kasamahan ay gusto nang umuwi dahil gutom na. Wala naman raw kasing pagkain o snacks na ipinamigay.

“Kakuyapon nako sir kay gutom kaayo. Hangyua intawon sir nga makagawas mi,” aniya.

Dagdag ni Bueno, isang supporter ni Roxas, sinabihan sila ng isang barangay leader ng kanilang organisasyon na may ipamamahagi na snacks pero wala naman pala.

Sinabi pa sa ulat na isang babaeng miyembro ng PSG ang nagalit sa radio reporters ng  DyLA at itinulak palayo nang kapanayamin ng media ang mga nagrereklamong estudyante at mga residente.

HATAW News Team

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *