Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Astig na EPD official closet queen nga ba?

THE WHO logoTHE who kaya itong isang opisyal ng Eastern Police District (EPD) na astig ang datingan, walang kinakatakutan at walang inaatrasan pero may lihim palang itinatago.

Tsika ng alaga kong Hunyango na isang batikang radio reporter, nakilala niya raw si sir noong police inspector pa lamang sa ibang distrito at dito niya nabuking ang matagal nang ipinagkakatago-tago.

Isang araw sa hindi sinasadyang pagkakataon at sa tamang panahon, pumasok siya sa kuwarto ni sir para mag-interview sana pero nagkabulagaan ang dalawa dahil sa kakaibang ginagawa ni Inspector.

Dagdag ng Hunyango ko, nabigla talaga siya sa kanyang pagpasok sa kuwarto dahil si sir nagpapahid ng foundation sa mukha!

Nagulat din at nataranta si Sir, dahil hindi malaman kung saan itatago ang foundation!

Hahahahahahahaha! May chance!

Nitong isang araw naman habang kinakapanayam ng Hunyango ko si Boss Tsip biglang hinawakan ang braso niya para mailapit ‘yung two way radio sa bibig ng tigasing opisyal.

A, baka naman gusto lang marinig nang husto ang boses niya sa ere. Hehehehehe. But wait? There’s more, simula raw nang gawin ito ni sir ay madalas nang ginagawa sa hunyango ko ito kung kaya’t naghinala siyang ‘may chance’ nga hanggang sa nangyari nga ang ‘di inaasahan.

Nangangamba ngayon ang ilang guwa-pings at matipuno sa EPD dahil baka makursunadahan sila at humantong sa tralalalalalala ang relasyong boss at subordinate lang sana. Hindi naman siguro baka nagkataon lang ‘yun. Malay ninyo frustrated actor lang si sir. Gets n’yo ba kung sino si Boss Tsip?

Makakain na nga lang ng kamias! Nasusuka ako sa pangangasim!

THE WHO? SCANDAL – ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …