Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aldub ng Eat Bulaga pinuri ng CBCP, religious groups

082015 Aldub kalyeserye

PINURI  ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), iba pang church group at ministry ang pinakamatagal nang noontime show sa bansa na Eat Bulaga.

Ito ay  dahil sa pagbibigay-importansiya ng programa sa moral standards na maaaring mapulot ng publiko sa sikat na sikat na segment na Aldub kalyeserye.

“2M tweets for Filipino marriage moral standards! @EatBulaga #KalyeSerye #ALDUBAgainstALLODDS,” tweet ng CBCP, sa official Twitter account nito na @cbcpnews.

Sinabi ng CBCP na bukod sa pagpapatawa at pagpapakilig   sa manonood, ang Aldub ay nagbibigay din ng aral sa mga manonood.

Habang ayon sa official account ng churcn-run Radyo Veritas na @kapanalig, saludo sila sa Eat Bulaga dahil sa anila ay dalisay na intensiyon ng kalyeserye na maisabuhay ang basics ng pag-ibig at ng responsibilidad.

“We salute @eatbulaga for the pure intentions of #KalyeSerye to bring back to mind the basics of love & responsibility. #ALDUBAgainstALLODDS,” sabi sa twitter ng Radio Veritas.

Sa kabilang dako, sabi ng  ibang Catholic ministries gaya ng 100% KATOLIKONG PINOY! suportado nila ang Aldub kalyeserye dahil sa wholesome message na nagpapakita kung ano dapat ang pag-ibig.

“It reflects how love should be. Love is patient, love is kind #ALDUBAgainstALLODDS, tweet ng @katolikongpinoy.

Maaalalang isa sa sumikat at nag-iwan ng aral na pahayag sa Aldub kalyeserye ang sinabi ng karakter na si Lola Nidora, (Wally Bayola) na, ”Ang pag-ibig ay … iniingatan, at ipinagkakaloob sa tamang panahon.”

Nagsimula ang AlDub fever noong Hulyo 16 nang kiligin at tunay na mag-blush ang tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, nang mapansin sa TV screen na pinanonood siya ng kanyang real life crush na si Alden Richards. Naging viral sa social media ang aksidenteng love team ng dalawa at nagsimula ang kalyeserye.

Bukod sa mga manonood ng Eat Bulaga, ang Aldub ay tinatalakay na rin ng iba’t ibang programa sa radyo, maging ng mga sikat na pahayagan at naging topic na rin ng ilang kolumn ng mga kilalang kolumnista.

Pangunahing artista sa Aldub kalyeserye, na lalong nagpasikat sa Eat Bulaga! 36-taon na ngayong napapanood at umeere, sina Richards at Mendoza.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …