Sunday , December 22 2024

P2 bilyon para maging presidente

punoIto ang tinatayang gagastusin ng bawa’t kandidato sa pagka-pangulo sa darating na 2016 elections, na ayon kay dating Chief Justice Reynato Puno ay ginagawang katawa-tawa ang Saligang Batas—at isang dahilan para isulong ang pagbabago ng sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng pabalangkas ng bagong Konstitusyon.

Sa isang forum on Constitutional reform sa University of the East kahapon, sinabi ni Puno na bagama’t ayon sa umiiral na batas, maaari lamang gumastos ang kandidato sa pagka pangulo ng P15 kada botante, sa katotohanan ay higit ganito ang ginagastos ng mga kandidato.

Ayon kay Puno, kung pagbabasehan ang tinatayang 55 milyong rehistradong botante para sa 2016 elections, ang isang kandidato sa pagka-pangulo sa susunod na halalan ay maaaring gumastos sa kampanya ng P825 milyon—na isa nang napakalaking halaga para mahalal na Pangulo.

Nguni’t higit pa rito ang totoong ginagastos dahil kung tutuusin kulang pang pambili ng komersiyal sa radio at telebisyon ang P825 milyon, lalo na at ang isang 30 segundong patalastas sa nangungunang estasyon ng TV ay nagkakahalaga na ng mahigit P700,000 to P800,000.

Kaya sa 10 patalastas pa lamang sa isang araw, gagastos na ang isang kandidato ng walong milyong piso, sabi ni Puno.

“Kung ganito ang sistema,  mabuti pang baguhin natin ang Article VII, Section 2 ng 1987 Constitution na nagsasabing ang tanging kuwalipikasyon sa pagkandidato sa pagka-pangulo ay pagiging natural-born citizen, rehistradong botante, marunong magbasa at magsulat, at naninirahan sa Filipinas sa nakaraang 10 taon,” sabi ng dating Punong Mahistrado.

“Idagdag na nating kuwalipikasyon na dapat may depositong hindi kukulanging sa isang bilyong piso o may kakayahang manghingi ng kontribusyong ganito kalaki, dahil ginagawa lamang nating katawa-tawa ang ating Saligang Batas, dagdag ni Puno na nagunguna sa kilusang Bagong Sistema, Bagong Pag-asa.

Isunusulong ng Bagong Sistema, Bagong Pag-asa ang pagpapatawag ng isang Referendum kasabay ng halalan sa Mayo upang tanungin ang mga mamamayan kung nais nilang baguhin ang 1987 Conbstitution  sa pamamagitan ng isang Constitutional Convention.

Ayon kay Puno, maituturing na critical ang darating na halalan dahil kung sino man ang mahalal, kailangan “paghilumin ang malalalim na sugat ng lipunan at siguruhing hindi mababawasan ang teritoryo ng Filipinas sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

“Pero ngayon pa lang, nakikita na natin ang mga senyales na ang darating na halalan ay dominado pa rin ng mga tradisyonal na politiko at mga partidong pansamantalang alyansa lamang ng mga ambisyosong tao na walang pakialam sa kabutihan ng bansa at nakararaming Filipino,” dagdag ni Puno.

Aniya, nakapanlulumong isipin na ang kagustuhan ng sambayanan ay mabubusalan ng salapi ng mayayamang politiko at mayayamang tao sa kanilang likuran. “Kung ang mga partidong politikal ay lason ng lipunan, ang malaking gastusin sa bawat halalan ay isang kanser ng ating demokrasya,”  sabi ni Puno. 

About JSY

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *