Sunday , December 22 2024

2 kilong heroin sa sapatos nabisto sa NAIA

heroin naiaDALAWANG pares ng sapatos na inabandona at nasa lost and found section ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nadiskubreng may nakatagong dalawang kilo ng heroin.

Ayon sa MIAA kahapon, ang mga sapatos na kinabibilangan ng itim na Clark Active Air, at Brown Clark Active ay mas mabigat kaysa normal na timbang nang pagbukod-bukurin ng lost and found personnel ang unclaimed items noong Lunes.

Nadiskubreng ang bawat pares ng sapatos ay may nakatagong tig-1000 gramo na may tinatayang street value na P10 milyon.

Ayon kay MIAA spokesman David de Castro, ang mga droga ay maingat na ibinalot sa dark plastic material na inihugis at itinago sa suwelas ng sapatos.

Ang nasabing droga ay ibinigay na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na agad kinompirmang heroin.

Dagdag ni De Castro, ang isang kilo ng heroin ay tinatayang may street value na P5 milyon.

Hindi pa nalaman kung kailan at kung saan nakita ang mga sapatos sa Ninoy Aquino International Airport.  

About JSY

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *