Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pedicab driver binoga ng mag-utol

SUGATAN ang isang pedicab driver makaraan barilin ng isa sa magkapatid na kanyang nakaaway sa larong basketball sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Reynaldo Zorilla, 26, ng 227 Pacheco St., Tondo, dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan.

Habang pinaghahanap ng mga tauhan ng Manila Police District-Don Bosco Police Community Precinct ang magkapatid na mga suspek na sina Alvin Legaspi, 30; at Rodolfo, Jr., 23, kapwa ng F. Varona St., Tondo, Maynila, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Nabatid mula kay Chief Insp. Elmer Vergara, Don Bosco PCP commander, dakong 9:15 p.m. nang mangyari ang insidente habang nagmamaneho ng pedicab ang biktima sa Dela Fuente at Pearl streets, Tondo.

Natukoy ang mga suspek na responsable sa pamamaril nang mapanood ang footage ng CCTV sa Brgy. 122, Zone 9 kaugnay sa insidente.

Nabatid na nag-away ang biktima at suspek na si Alvin nang magkapikonan sa paglalaro ng basketball noong nakalipas na buwan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Rhea Fe Pasumbal, Anne Marielle Eugenio, Beatriz Pereña, at Angelica Ballesteros

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …