Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

EX-raketistang Congresswoman manunuba rin sa utang

THE WHO logoMAYROON pa palang ibang estilo ang isang babaeng mambabatas na naging raketista muna sa Kamara bago narating ang kanyang posisyon.

Tinagurian din siyag matapobre ng mga indigent o mahihirap na constituents na nagpupunta sa Kamara.

Pagbubulgar ng ating hunyango, kaya pala pinagtataguan ng ibang Congressman noon si Madam raketista na isa na ngang mambabatas ngayon, sa dahilang wagas daw kung siya’y mangutang…‘yun lang.

Kaya pala parang gerilya kung magtago ang ilang mambabatas noon kay Madam na tinawag natin sa pangalang “Naging Congresswoman”dahil bukod sa pangungulit niyang maging ‘fixer’ sa mga proyekto ng ilang Congressman, sinasabayan din niya ng diskarte sa pa-ngungutang.

Take note ha, hindi isang daan, hindi dalawang daan, o limang daan, o isang libo at hindi rin libo-libo kung mangutang ang lola kundi milyon-milyong piso!

Susmaryosep!!!

Kahit ako magtatago rin kapag ganyan… hehehehe…

Okay lang naman kung mangungutang basta babayaran. Pero ang masakit kay Madam, aba’y may tamang kalimot sa mga utang niya as in dedma lang aguy!

Bilang patunay dito, natapos at natapos ang tatlong termino ng isang mambabatas na inutangan niya, pero hanggang sa kasalukuyan ‘di pa rin daw niya nababayaran ang utang na hindi kukulangin sa P10 milyon lang naman…

Toink!

Balak daw ngayon na magbigay ng demand letter ni congressman para mabayaran naman siya at kapag ‘di tumugon, idedemanda na raw niya ang “Naging Congresswoman” na ngayon ay ulyanin na.

Heto na ang pagtatapos ng diyaryo serye ni Naging Congresswoman, gets n’yo na ba kung sino siya?

Esep-esep!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …