Sunday , December 22 2024

10 katao nalason sa paksiw

NAGA CITY- Iniimbestigahan ng mga awtoridad at ilang eksperto ang dahilan ng  pagkalason ng ilang residente sa Brgy. Banga, Tinambac, Camarines Sur kamakalawa.

Ito’y makaraan isugod sa ospital ang 10 katao na nakaramdam nang pananakit sa tiyan, nakaranas ng pagsusuka at pagtatae makaraan kumain ng nilutong paksiw.

Ayon kay Chief Insp. Paul Cabug ng PNP-Tinambac, nagsimula ang insidente makaraan makakain ang naturang mga residente ng inihandang paksiw sa isang aktibidad ng lokal na pamahalaan sa lugar.

Ayon kay Cabug, makaraan dalhin sa ospital ang mga pasyente, agad nagsagawa ng pag-aaral ang ospital hinggil sa insidente at hinihintay na lamang ng mga awtoridad ang magiging resulta para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Nagbabala rin ang opisyal sa ilan pang mga residente na nakakain kung may nararamdaman nang kakaiba, agad humingi ng tulong sa mga awtoridad para sa agarang aksyon.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *