Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

High risk inmate na taiwanese nat’l nakapuga sa MPD

0817 FRONTNAKAPUGA sa isang tauhan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang isang Taiwanese national, itinuturing na “high risk” prisoner dahil sa large scale illegal recruitment, kamakalawa ng hapon makaraan ilabas sa MPD Headquarters para ipa-medical exam, nang tumalon sa sinasakyang motorsiklo sa Taft Avenue, Maynila.

Nakadetine na ngayon sa MPD- Integrated Jail si PO2 Marlon Anonuevo makaraan kasuhan ni Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS, ng “infidelity in the custody of prisoner conniving with or consenting to evasion.”

Nabatid na dakong 3:30 p.m. nang bumalik si Anonuevo sa tanggapan ng MPD-GAIS para i-report na nakatakas ang suspek na si Michael Vincent Tan Co, alyas  Sam Jasper Wang, at Bobby Wang, 28, ng 144 Leon Guinto St., Malate, Maynila.

Sinabi ni Anonuevo, papunta sila sa Ospital ng Maynila para ipa-check-up si Co ngunit pagsapit sa Taft Avenue ay biglang tumalon mula sa kanyang motorsiklo at tumakbo palayo.

Iniutos na ni MPD director, Chief Supt. Rolando Nana na magsagawa nang masusing imbestigasyon kaugnay sa insidente ng pagtakas ni Co mula sa kustodiya ni Anonuevo.

Si Co ay unang inaresto ng mga tauhan ng MPD-GAIS sa isang entrapment operation nitong Sabado makaraan ireklamo ng apat aplikanteng papuntang Taiwan na sina Gary Herana, Wilmer Domingo, Jesus Natividad at Joey Andoy, nakuhaan ng pera at pinangakuan ng trabaho bilang factory worker sa Taiwan.

Nakatakdang i-inquest si Co sa kasong large scale illegal recruitment dahil bukod sa unang apat na nagreklamo ay may 60 katao pa sa isang agency ang sinasabing nabiktima niya.

Nabatid na si Anonuevo ay nag-iisa lamang na operatiba na pumasok sa MPD-GAIS kamakalawa sa pang-umagang duty.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …