Sunday , December 22 2024

Sanggol ‘nalunod’ sa dedeng tubig (Ina naghanap ng pambili ng gatas)

0814 FRONTBINAWIAN ng buhay ang isang-buwan gulang na sanggol na hinihinalang ‘nalunod’ sa ipinadedeng tubig habang mahimbing na natutulog ang ama sa Tondo, Maynila kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Regine Ramirez ng 2701 Lico St., Tondo, habang isinasailalim sa interogasyon ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section ang ama ng sanggol na si Rogin Ramirez, 36-anyos.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Donald Panaligan, dakong 11:15 p.m. nang makita ng ama ang kanyang anak na wala nang malay sa loob ng kanilang bahay. 

Isinugod niya ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Napag-alaman na wala sa bahay ang ina ng sanggol, na si Janet dahil naghahanap ng mahihiram na perang pambili ng gatas ng biktima.

Ayon kay Rogin, dahil walang gatas, ipinasiya niyang padedehin muna ng tubig ang sanggol hanggang makatulugan niya.

Mahigit isang oras bago nagising at naalimpungatan si Rogin pero nakitang hindi na gumagalaw ang kanyang anak.

Gayonman, isinailalim sa awtopsiya ang bangkay  ng  sanggol  upang malaman ang tunay na sanhi ng kanyang kamatayan.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *