Thursday , December 26 2024

Bongbong hindi iboboto ng Marcos loyalist

EDITORIAL logoWALANG suportang makukuha si Sen. Bongbong Marcos sa mga Marcos loyalist kung tuluyan siyang tatakbo bilang running mate ni Vice President Jojo Binay. 

Lalabas na walang utang na loob at hindi maituturing na tunay na dugong Marcos si Bongbong kung ang plano niyang maging bise presidente ni Binay ay matutuloy.

Taksil na matatawag si Bongbong dahil mismong si Binay ang isa sa mga nagpatalsik sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong kasagsagan ng EDSA People Power I.

Tinaguring Rambotito, si Binay ay isang sagad-sagaring sipsip kay dating  Pagulong Cory Aquino na lumaban sa mga sunod-sunod na kudetang inilunsad ng Reform the Armed Forces of the Philippines o RAM.

Ang bilis makalimot nitong si Bongbong. 

Hindi ba kaya natalo siya noong 1995 senatorial elections ay dahil kinalimutan nila ang mga Marcos loyalist? 

Hindi niya dapat maliitin at hamakin ang tunay ng mga tagasuporta ni Apo Macos dahil tiyak na walang boboto sa kanyang Marcos loyalist sa darating na halalan.

Makabubuting tumakbo na lang muli sa Senado si Bongbong at huwag nang maniwala sa kanyang malalapit na adviser  na tumakbo siya bilang bise presidente sa darating na eleksyon.

About Hataw

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *