Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ama pinatay ng anak, ibinaon sa likod-bahay

HINIHINALA ng pulisya na maaaring may sakit sa pag-iisip o nasa impluwensiya ng bawal na gamot ang isang lalaki kaya’t napatay ang sariling ama at ibinaon ang bangkay sa malalim na hukay sa likod ng kanilang bahay sa Brgy. Tikay sa Lungsod ng Malolos, Bulacan

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Luna Enchanez, 61, anyos, habang ang suspek na patuloy na hinanahap ng pulisya makaraang tumakas ay si Saudi Boy Enchanez, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa nakatalang ulat ng pulisya, nagtaka ang pamilya kung bakit bigla na lamang nawala ang biktima at hindi nila malaman kung saan nagpunta.

Makalipas ang limang araw, umalingasaw ang mabahong amoy mula sa likod ng bahay na naging dahilan upang maghinala ang pamilya na posibleng may kinalaman ito sa pagkawala ng biktima.

Nang puntahan ang lugar na pinanggagalingan ng mabahong amoy at ipahukay ito ay tumambad sa kanila ang nabubulok nang katawan ng biktima.

Ayon sa pahayag sa pulisya ng pamilya, nagsumbong sa suspek ang kanyang asawa na binubugbog siya ng biyenang lalaki kaya’t kinompronta ng salarin ang ama hanggang magtalo na posibleng humantong sa pagpatay ng anak sa biktima.

Daisy Medina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …