Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

47 katao nalason sa litsong baboy

CEBU CITY – Nababahala ang lokal na pamahalaan ng Tudela, isla ng Camotes, probinsiya ng Cebu sa naganap na massive food poisoning sa tatlong barangay sa nasabing bayan.

Ayon kay Tudela Vice Mayor Greyman “Jojo” Solante, umabot sa 47 katao ang nalason sa kinaing litsong baboy noong araw ng Lunes.

Aniya, 15 sa mga biktima ang isinugod sa ospital at sa ngayon ay lima pa ang nananatili sa pagamutan na kinabibilangan ng apat na menor de edad at isang 35-anyos.

Sinabi ni Solante, ang iba ay mas piniling manatili sa kani-kanilang tahanan at binigyan na lamang nila ng mga gamot.

Bagama’t nasa ligtas nang kalagayan ang mga biktima, patuloy ang kanilang monitoring sa kondisyon ng mga nalason.

Kamakalawa lamang aniya dumating sa kanyang opisina ang balita at agad niyang ipinasuri sa kanilang municipal health officer, sanitary, at meat inspector ang barangay ng Southern Poblacion, Buenavista at MacArthur.

Ayon kay Molinda Lazaga, sanitary inspector, litsong baboy ang nakikita nilang dahilan sa pagkalason ng mga residente dahil lahat nang nakakain ng litson ay nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Sa ngayon, patuloy na ipinabeberipika ng vice mayor ang balita na posibleng may sakit ang baboy na kinatay na nakain ng mga residente.

Sinasabing nagkakasakit ang mga hayop sa lugar at isang residente ang umamin na namatayan sila ng baboy dahil sa sakit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …