Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

13-anyos dalagita niluray ng BF ng ina

BAGAMA’T walang suporta ng kanyang sariling ina, desidido ang 13 anyos dalagita na maghain ng kasong rape laban sa boyfriend ng ina na gumahasa sa kanya habang nakatutok sa kanyang ulo ang .45 kalibre baril sa Cavite City.

Batay sa sinumpaang salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Mae, sa National Bureau of Investigation-Tagaytay City, naganap ang panghahalay sa kanya ng suspek na si Marvin Quintana, 29, ng Brgy. Inocencia Southville, Trece Martirez City, noong Hulyo 6, 2015 sa loob ng kanilang bahay.

May lagnat ang biktima at natutulog sa loob ng kanyang silid nang pumasok ang suspek at tinutukan siya ng baril.

Nagbanta aniya ang suspek na huwag siyang sisigaw dahil siya ay papatayin gayondin ang kanyang lola na nagbabantay sa kanilang grocery store sa tabi lamang ng kanilang bahay.

“Di ako nakasigaw at puro iyak lang, malakas ang ulan noon kaya ‘di ako narinig ng aking lola, paulit-ulit n’ya sinabi na papatayin kami maglola kaya wala akong nagawa,” ayon pa sa biktima.

Nang maisakatuparan ang masamang balak, kaswal lamang na lumabas ng silid ang suspek at dumiretsong umuwi sa kanilang bahay na katapat lamang ng bahay ng mga biktima.

Agad ipinagtapat ni Mae sa kanyang lola ang ginawang kahalayan suspek ngunit natakot dahil may baril si Quintana kaya hindi nakapagsumbong sa mga pulis ang matanda.

Makaraan ang tatlong araw, dumating ang ina kaya agad nagsumbong si Mae ngunit imbes pakinggan ay mas pinaniwalaan ang suspek.

Inamin ng lola na masama ang kanyang loob sa sariling anak dahil mas kinampihan ang kinakasama.

Ang ina ng biktima at ang suspek ay kasalukuyang nagtatago sa Nueva Ecija ngunit nais na paatrasin ang anak sa pagsasampa ng kaso laban kay Quintana.

Sa medico legal report ng NBI sa biktima, nabatid na positibong ginahasa ang biktima at nangangamba ang maglola na posibleng buntis si Mae.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …