Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Congresswoman na raketista noon matapobre naman ngayon

THE WHO logoBUKOD sa pagiging dating matinik na raketista, na ngayon ay isa nang congresswoman, may ibang attitude rin pala si Madam na tinawag nga natin sa pangalang “Naging Congresswoman” na pwede na rin nating tawaging MADAM OT.

Tsika ng Hunyango ng inyong lingkod, tila nakalimutan yata ni Madam OT kung saan siya nanggaling bago niya narating ang kinalalagyan niya ngayon bilang isang mambabatas.

Bulong sa atin, ang taas na raw ng ere ni Congw., kung kaya’t kitang-kita sa kanyang pag-uugali ang pagiging matapobre samantala dati lamang siyang pakalat-kalat sa Kamara at naging fixer nga ‘este facilitator pala… Toink!

Bilang patunay dito, aba’y mantakin ninyong parang hampaslupang pinalayas daw ni Madam OT ang isang grupo ng mahihirap habang isinasagawa ang isang hearing sa loob ng Kongreso…

Ayayayayay!

Nabatid na walang nagawa ang mga guwardiya sa Lower House kung hindi ang palabasin ang mga maralitang humihingi lamang ng tulong kay Madam OT.

Humingi lang ng tulong, nakaranas pa ng inhustisya dito kay Madam OT. Talaga naman!

Ang kanyang kapwa mambabatas naman ay napailing na lang at ang iba’y nag-walkout. ‘Yung iba naman parang gustong sabunutan si Congresswoman dahil nanggagalaiti pa habang pinalalabas niya ang mga pobreng maralita…

Naman…naman!

Hindi lamang ‘yan, kahit nakaalis na raw ang grupo, nilait-lait pa ni Congresswoman sa harapan ng kapwa mambabatas, as if parang mga basahan na tinapak-tapakan. Wala tayong ma-SEY kay Madam OT. Buti ‘di siya tinamaan ng kidlat. O kayo riyan sa Kamara, kilala na ba ninyo kung sino itong si Congreswswoman Madam OT?

‘Di n’yo pa ba siya nakikilala?

Abangan dahil may susunod pang clue…

Babu!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …