Sunday , December 22 2024

71-anyos food concessionaire utas sa ambush

0810 FRONTPATAY ang isang 71-anyos biyudang food concessionaire nang barilin sa ulo nang dalawang beses ng isang hinihinalang hired killer habang sumasakay sa kanyang kotse sa harap ng Our Lady of Remedies Church sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Philippine General Hospital ang biktimang si Nora Chuanico Eubanas, residente sa Taft Avenue, Malate, Maynila at may-ari ng Race Foods Co., Inc.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 6:45 p.m. sa harapan ng Our Lady of Remedies Church sa M.H. Del Pilar St.

Sugatan din sa insidente ang apo ng biktima na si Mikhael Eubanas, 22, dahil sa nabasag na salamin ng kotse na tinamaan ng bala.

“Medyo, malalim ito, ayaw makipag-cooperate ‘yung mga anak ng biktima, although parang me alam sila na posibleng motibo kung bakit pinaslang ‘yung nanay nila, ang sabi ng anak na doktor kapag nailibing na raw ‘yung kanilang nanay ay magsasalita siya,” ayon kay SPO2 Bautista.

Nabatid  na kasama ng biktima ang kanyang hipag na si Adella Chuanico, at ang apong si Mikhael ang nagmamaneho ng puting Ford Lynxx (XDN-719) nang maganap ang insidente.

Hinala ng pulisya, may  kaugnayan sa negosyo ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Samantala, nabatid ng HATAW na ang biktima at ang kanilang kompanya ay canteen concessionaire sa Texas Instruments sa TI Compound, Loakan Road, Baguio City.

Ilang taon na ang nakararaan, ang kompanya ay naharap sa labor case dahil sa pagtatangkang magtanggal ng ilang empleyado sa kanilang kompanya.

Leonard Basilio at Rhea Fe Pasumbal

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *