Sunday , December 22 2024

Kaso vs suspek sa bar exam bombing kinatigan ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang paghahain ng kaso laban sa pangunahing suspek sa binansagang Bar Exam bombing noong Setyembre 2010 sa Taft Avenue, Maynila.

Sa 17-pahinang desisyon ng Special Fourth Division na may petsang Hulyo 14, 2015, kinatigan ng appellate court ang paghahain ng DoJ ng kasong multiple frustrated murder, multiple attempted murder, at illegal possession of explosives laban sa suspek na si Anthony Leal Nepomuceno.

Tinukoy ng CA ang ‘non-exhaustion of administrative remedies’ sa panig ni Nepomuceno.

Imbes na kwestiyonin muna ang resolusyon ni Asst. State Prosecutor Gerard Gaerlan sa Office of the Secretary of Justice, diretso niyang inihain ang pagkwestiyon sa Court of Appeals.

Bukod sa teknikalidad, tinukoy rin ng CA na sa aspeto ng merito ng kaso, wala silang nakitang ‘grave abuse of discretion’ sa panig ng investigating prosecutor nang magdesisyon itong may probable cause ang kaso.

Hindi binigyan ng bigat ng CA ang argumento ni Nepomuceno na hindi magkakatugma ang mga testimonya ng mga testigo.

Ang pagkwestiyon din anila ni Nepomuceno sa kredibilidad ng mga testigo ay mas akmang talakayin sa pormal na paglilitis sa hukuman.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *