Sunday , December 22 2024

Wang Bo ipinatatapon ng DoJ

IPINADE-DEPORT na ng Department of Justice (DoJ) ang Chinese gambling lord na si Wang Bo. 

Ito’y makaraan ibasura ng kagawaran ang inihaing motion for reconsideration ni Wang na pinababaligtad ang unang desisyon para sa kanyang summary deportation.

Sa inilabas na resolusyon, walang nakitang konkretong batayan ang DoJ para pagbigyan ang mosyon ni Wang dahil sapat na ang isinumiteng ebidensya ng Chinese Embassy para ipa-deport at ipakansela ang pasaporte ng dayuhan.

Wala ring makita ang National Bureau of Investigation (NBI) na matibay na ebidensya sa mga alegasyong nagkaroon ng bayaran sa Bureau of Immigration (BI) pabor kay Wang.

Sinasabing ang natanggap na pera mula kay Wang ang ginamit para suhulan ang mga Kongresista upang ipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Mababang Kapulungan.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *