Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-Bantay Ilog volunteer dedo sa saksak ng adik na bayaw

PATAY ang 49-anyos lalaki matapos pagsasaksakin ng bayaw na lulong sa droga sa pagitan ng Estero de Concordia at Estero de Paco sa Paco, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Jesus Reyes, 49, dating River Warrior- Bantay Ilog  at residente sa Burgos St., Paco, Maynila na agad binawian ng buhay dakong 03:59 pm sa Philippine General Hospital (PGH). 

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Donald Panaligan, imbestigador ng Manila Police District- Criminal Investigation and Detention Unit, pauwi ang biktima sa kanilang bahay dakong 03:15 pm nang ‘di namamalayang nakasunod na sa kanya ang suspek na si Ramil Banta, 36, tubong Cavite, asawa ng bunsong kapatid (edad 34-38 anyos), tambay, ng kaparehong tirahan, saka siya inakbayan at pinagtatarakan na parang baboy.

Ayos sa ilang residente na nakasaksi sa insidente, patalon-talong pinagsasaksak ng suspek ang biktimang noo’y nakayapos na sa kanya hanggang tuluyang bumulagta sa kalsada. Agad nagresponde ang ‘di nagpakilalang pinsan ng biktima na nagdala sa kaniya sa ospital.

Nakitaan ng matinding tama ng saksak sa magkabilang collarbone, kaliwang batok at marami pa bukod sa mga hiwa sa itaas na bahagi ng katawan ang biktima dahilan upang bawian agad ng buhay. Kuwento ng ilang opisyal ng Barangay 826 sa Burgos St., Paco, Maynila , pasimple umanong naglakad palayo ang suspek at ‘di kalauna’y nagtatakbo palayo saka inihagis sa Ilog Pasig ang kutsilyong ginamit kasama ang kanyang tsinelas.

Bago ang insidente ay madalas nang nag-aaway ang dalawa dahil bukod sa kawalan ng trabahao ng supek at pagdepende sa pensiyon ng ina nila Reyes, lulong din sa paggamit ng ilegal na droga.

Pinaghahanap na ang awtoridad ang suspek na posibleng maharap sa kasong Murder.

Rhea Fe Pasumbal/Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …