Sunday , December 22 2024

BI official ipinadidisiplina ni De Lima (Sinabing krisis sa INC case closed na)

 

IPINADIDISIPLINA ni Justice Secretary Leila de Lima ang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsabing case closed ang kinasasangkutang krisis ng Iglesia ni Cristo (INC).

Tahasang sinabi ni De Lima, mali ang nasabing impormasyon dahil nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat ng NBI.

Si Atty. Manuel Antonio Eduarte, hepe ng Anti Organized and Transnational Crime Division, ay hindi bahagi ng imbestigasyon sa INC kaya nagulat ang kalihim nang ianunsiyo niyang “case closed” na ang kaso.

Samantala, tumanggi si De Lima na isiwalat ang impormasyong ibinahagi ni Anthony Menorca, kapatid ng sinasabing dinukot na INC Minister na si Lowell Menorca.

Nauna nang nagpasailalim sa Witness Protection Program si Anthony na naniniwalang ang pagtanggi ng kanyang kapatid na siya ay dinukot ay dahil lamang sa utos ng Sanggunian ng INC.

Sapilitan lamang aniya ang ginawang pagtanggi ng kanyang kapatid dahil hawak ng Sanggunian ang asawa at anak ni Lowell Menorca.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *