Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 kelot sugatan sa kuyog ng 20 gangsters

APAT katao ang sugatan makaraan kuyugin ng 20 gangsters sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang mga biktimang sina Reyna Ramirez, 22; Charlie Brinolo, 23; Jorlyn Orongon, 22; at Arnel Gadia, 45-anyos. Ang apat ay pawang construction worker sa itinatayong gusali sa Masangkay St., sa Tondo.

Sa ulat ni Supt. Jackson Tuliao, station commander ng Manila Police District Station 2, naglalakad ang mga biktima pabalik sa construction site nang makasalubong nila ang tinatayang 20 kalalakihan.

Sa hindi malamang dahilan, kinuyog sila ng mga suspek na armado ng kahoy at patalim. Pagkaraan ay nagtatawanan pa ang mga suspek nang sila ay iwanan.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang nakuhang footage sa nakakabit na CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Samantala, nananawagan ang mga magulang at mga biktima na higpitan ng pamahalaang lungsod ang pagpapatupad ng curfew sa upang masawata ang gang crimes na kadalasang nagaganap dakong gabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …