Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P4.2-M shabu nasabat sa Negros Occidental (Pamilya, 3 pa arestado)

NEGROS OCCIDENTAL – Aabot sa P4.2 milyong halaga ng ipinagbabawal na gamot, at apat illegal firearms ang nakompiska ng Negros Occidental Provincial Drugs Special Operations Unit sa buy-bust operation nitong Sabado ng gabi sa Kabankalan, Negros Occidental.

Pito katao ang naaresto sa buy-bust operation sa Purok 5, Brgy. 1 sa Kabankalan.

Sinabi ni Team leader, Supt. Antonietto Canete, tinatayang 700 grams ng shabu ang narekober ng mga operatiba. Nagkakahalaga ito ng P4.2 milyon, ang pinakamalaking nakompiska ngayong taon sa lalawigan.

Target sa nasabing operasyon si Kyle Jareno, 22-anyos. Siya ay nasa PAIDSOU drug watch list.

Naaresto  ng  mga operatiba ang kanyang kapatid na si Kendrick Jareno, ang inang si Virgie Jareno, at 15-anyos dalagita.

Kabilang sina Amando Baylon, Jonemar Alvarez, at Roberto Española, naroroon sa lugar nang isagawa ang operasyon. Nakompiskahan sila ng illegal na droga.

Nakuha ng mga awtoridad ang apat hindi lisensiyadong baril na pawang may bala, kabilang ang 45 caliber pistol, shot gun, machine gun, at rifle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …