Friday , November 15 2024

NBI sinuyod jueteng ni Pineda (Pandaraya sa benta binubusisi rin, Ayong nagsumbong)

0803 FRONTSINUYOD ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga Small Town Lottery (STL) operation na pinaniniwalaang ginagamit sa jueteng at pandaraya ng mga may-ari ng prangkisa sa kanilang pagdedeklara ng arawang benta sa lokal na loterya sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Nauna rito, nakipag-ugnayan si Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO) chairman  Ireneo “Ayong” Maliksi sa NBI upang supilin ang paggamit sa STL games bilang prente ng ilegal na sugal, na nagbunga ng sunod-sunod na pagsalakay sa mga loterya sa Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Laguna at Batangas.

Sinabi kahapon ni Maliksi, iniutos na rin niya ang masusing paghimay sa mga detalye ng arawang lottery sales na idineklara ng tinawag na STL lords kasunod ng natuklasan ng PCSO na pandaraya sa kanilang benta.

Sa pag-aaral ng PCSO, lumalabas na aabot sa P103 bilyon ang tinatayang gross sales kada taon ng lahat ng 17 STL operators, pero noong nagdaang 2014 ay nagsumite lamang ng bentang P4.7 bilyon.

“Sa usapang mapupunta ang 45% para sa operational expenses at charity funds ng PCSO, lumalabas na mahigit P45 bilyon kada taon ang nakukupit ng STL operators,” pahayag ni Maliksi. Sinabi ng isang mataas na opisyal sa PCSO na iniutos ni Maliksi ang pag-iimbestiga sa ulat na P200 milyon ang ibinigay ng ‘STL lords’ sa isang mataas na opisyal sa gabinete ni Pangulong Aquino upang panatilihin hanggang sa susunod na taon ang prangkisa ng lottery games.

“Matatandaan na nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Aquino noong 2013 ang pagpapatigil sa nasabing lottery games para palitan ng ibang laro na puwedeng bumasag sa ilegal na jueteng, pero nakapagtataka na nabigyan pa ng extension ang prangkisa ng STL lords,” pahayag ng opisyal ng PCSO.

Aniya, karamihan sa mga lottery operation na sinalakay ng NBI ay nakapangalan sa isang Bong Pineda, na pinaniniwalaang utak ng STL project noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

“Nakompiska ng mga operatiba  ng  NBI  ang ilang gamit na magpapatunay na jueteng ang ipinangongolekta ng mga kobrador ng STL sa mga ni-raid na lugar, may dala-dalang papelitos at ibang paraphernalia ng ilegal na sugal,” dagdag na pahayag ng opisyal ng PCSO. 

About jsy publishing

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *