Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Masculado Dos member todas sa carjacker

PINANINIWALAANG dahil sa insidente ng carjacking  kaya napatay ang isang miyembro ng all male group na Masculados Dos malapit sa Primrose Hills Subdivision sa Angono, Rizal, dakong 4 a.m. kahapon.

Kinilala ang biktimang si Marcelo de Guzman Ong II, 30, mas kilala sa screen name niyang Ozu Ong.

Ayon sa kapatid niyang si Maan, galing sa show ang kanyang kapatid sa Quezon City at pauwi na lulan ng kanyang Toyota Hilux (AAO-2722) nang mangyari ang insidente.

“Ang balita is parang huminto ‘yung sasakyan niya, parang nakahinto. Hindi namin alam kung bumaba siya or pinababa siya, binaril siya sa dibdib. Actually, gitna, e, gitna talaga ‘yung pagkabaril,” wika ni Maan.

Hindi raw malabo na biktima ng carjacking ang kanyang kapatid dahil wala siyang kaaway at lumalabas lang ng bahay tuwing may show ang Masculados.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pangyayari.

Ilan sa mga programang kinabilangan ni Ozu ang “Munting Heredera,” “Magpakailanman,” at “Diva.”

Kilala ang Masculados sa novelty songs gaya ng “Sana Mama,” “Macho Papa,” at “Jumbo Hatdog.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …