Friday , November 15 2024

Davao del Norte niyanig ng magkakasunod na lindol

NIYANIG nang magkakasunod na lindol ang bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte simula nitong Sabado hanggang Linggo.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Santo Tomas, dakong 11:17 Sabado ng gabi.

Tumama ito sa lalim na walong kilometro at nadama ang intensity 4 na pagyanig sa Sto. Tomas habang intensity 3 sa Davao City.

Nasundan pa ito ng magnitude 3.5 na lindol sa kaparehong bayan, dakong 11:37 p.m.

Mula 1 a.m. hanggang 8:52 a.m. nitong Linggo, nakapagtala pa ng magnitude 3.2, 3.4 at 3.7 na pagyanig sa Sto. Tomas.

Walang inaasahang pinsala ang Phivolcs sa kasunod ng mga nabanggit na paglindol.

About jsy publishing

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *